Friday, May 7, 2010 1:10 PM
Ano bang dapat isagot mo sa "condolence" ? Hindi naman ito tanong pero kelangan eh may response ka. Ngayon lang kasi ako nasabihan ng ganun eh. Kahit di ako sigurado, ay nagpasalamat nalang ako. Salamat, kasi may concern sila. Kanina ay di ko na ininda yung itsura ko habang umiiyak dito, nakatitig lang sakin tong mga kapatid ko. Siguro'y nasa isip nila nagdradrama nalang ako. Haha. Kasi naman sila lang nakakakita sakin na umiiyak sa bahay. Pero if you lost a person that you genuinely love, wala ka nang pake sa itsura mo, kahit tumutulo pa yang uhog mo sa harap ng maraming tao. Haha! Pero di naman nangyare sakin yun. So ngayon ay magmomoment na ulit ako. I'll pray for my mama tina's soul :)