Thursday, April 29, 2010 10:43 PM
Ano ba dapat? "No swit, no pancit" HAHAHA. Ah basta no pain, no gain din ibig sabihin nyan!
Oo. Yan nalang masasabi ko ngayon. Dahil pagkatapos kong simulan ng kapaguran ang araw na to ay nasuklian naman ako ng napakasarap na PANCIT. Yes, you've read it right, PANCIT. HAHAHA. Nagkaroon kasi kami ng father-daughter bonding kanina ni papa. Dahil kami lang ang nagising ng maaga, kami ang napilitang magluto. Ngayon lang ako magluluto ng isang putahe kaya na-excite ako. PERO, hindi ko inaasahan na napakarami palang nakahandang utos ang magaling kong ama. "Hugasan mo yan, isalang mo na, magwalis ka doon, sabunin mo ng maayos yan, hiwain mo na yang daliri mo..este yang carrots pala" HAHAHA. At hindi pa yun dun nagtatapos, ako rin ang pinagluto niya ng pancit. Naisip ko "YESSSS NAMAAAAAAAN, SA WAKAS". At nang natapos ko na lahat ng pinagagawa niya. Narinig ko siyang nagsabi ng "SHIT ANG SARAP". SALAMAT NAMAN DADEH. HAHAHAHAHA!